Thursday, October 11, 2007

Buhay kolehiyo

Unang pasokan sa kolehiyo talagang napaka lungkot ng buhay, wala kasi akong makausap, walang mapagtanungan,wala kasi akong kakikila sa probinsya kasi ako nakapag-tapos nang sekondarya may katabi ako sa upuan nahihiya kasi akong makipag usap, hindi ko kasi alam ang sasabihin o kaya`y ang pag-uusapan namin, nahihiya rin akong itanong ang pangalan nya kasi tahimik lang siya para akong naiilang kaya hindi nalang ako kumibo. Pag pasok palang ng unang profesor namin talagang hindi ako mapakali, akala ko isa-isa tatayo sa harap at ipakilala ang sarili, gaya sa sekondarya hindi pala dahan-dahang humina ang kaba na dati ay kay lakas pero nawala rin ang naramandaman kong takot. Lumipas ang isang linggo unti-unti kong nakilala ang kamag-aral ko

Mahirap pala ang buhay sa kolehiyo akala ko madali lang unang taon pa lamang nahirapan na agad ako, mas lalo pang mahirap ang dadaanan ko sa mga susunod pang mga taon, pag hihirap muna bago maabot ang gustong abutin pero hindi parin ako nawalan ng pag-asa nasa tao ang gawa nasa diyos ang awa, makakaya ko ang lahat ng ito kahit gaano ka hirap kakayanin ko magaaral ako ng mabuti, hindi dahil mayroong pagsusulit dahil yan minsan ang ginagawa ko kung mayrong pagsusulit tsaka na magaaral, mananaliksik dahil sinasabihan. Paano ko matutupad ang mga pangarap ko kung ganito ang paguugali ko walang mangyayari sa buhay ko, habang maaga baguhin ang dapat baguhin, gawin ang dapat gawin para sa kinabukasan.

No comments: