Tuesday, September 18, 2007

Karanasan Ko sa Buhay

Bata palang ako naranasan ko ang kalungkutan, kahirapan,ang takot, at ang kaligayahan.

Kahirapan,ang aking pamilya ay isang mahirap magsasaka lamang ang ama ko nabubuhay kami mula sa tanim naming palay. Tumutulong ako sa aking ama sa pagtatanim ng palay, tiniis ko ang hirap, pagod, at ang sinag ng araw na dumadampi sa balat ko. Pero hindi ditto nagtatapos ang kahirapang nararanasan ko.Nagsimula akong mag-aral mula kinder, nagsumikap akong matutong magbasa at sumulat.

Naging elementarya ako, dito marami akong naging kaibigan may masungit may mabait, inintindi ko kung ano ang kanilang pag-uugali,kasi kanya-kanyang ugali meron ang tao.Pumasok ako sa paaralan, umaraw man at umulan,tiniis ko ang hirap,matuto lamang sa mga turo ng guro, binabaliwala ko ang pang-aasar at panglalait ng iba kong kaklase.Sa tingin ko hindi dapat manghusga ang isang tao sa kanyang kapwa kasi lahat tayo nilikha ng panginoon ng pantay-pantay, iba kasi ang batas ng tao sa lupa.pero hindi hadlang ang mga ito, Hanggang natapos ako ng apat na taon sa sekondarya.Kakaiba ang pakiramdam kapag nakapagtapos ng pag-aaral.

Napakalungkot pagsinabi sayo mula sa mga magulang mo,na hindi ka makakapag-aral ng kolihiyo,samakatuwid hindi sinabi sakin ng magulang ko.Napapansin ko sa mga kilos nila at sa istado ng aming pamumuhay.kaya minsan naglalasing ang aking ama.Gusto niya akong paaralin kaya lang wala siyang magawadahil sa sobrang hirap ng aming buhay.Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa.Alam ko na hindi hadlang ang kahirapan na dinadanas naming sa buhay dahil alam kong habang may buhay,may pag-asa kaya nakapag-aral ako ngayon sa tulong ng aking tiyahin.Masaya ako ngayon dahil nakapag-aral ako.

No comments: