Thursday, October 11, 2007

arnel


Wiki pilipinas

ang wiki pilipinas ay isang online encyclopedia kung saan higit na nkatutulong sa mga pilipino at sa mga foreigner, upang malaman din ng ibang bansa kung ano ang kultura at tradisyon na kinagisnan ng mga pinoy nung unang panahon.

Natutunan ko sa computer

Marami akong natutunan sa computer simula nang pag pasok ko sa iskul, natuto akong mag internet na dati ay wala akong alam, natutunan ko rin kung paano gumawa ng sariling blog, at natutunan ko rin tungkol sa e-commerce, ito ay ang pagbili at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan nang isang electronic system. Mahalaga ito lalo na`t nag aaral ako ng panenegosyo sa pamamagitan nito mapabilis ang pagbebenta ng mga produkto lalo ang iyong ka sosyo ay taga ibang bansa hindi ka mapapagod sa pagbebenta, talagang makabago na ngaun ang ating mundo, isang pindot mo lang ng computer magkakapera ka na. Talagang malaki ang naitutulong ng computer sa buhay ng tao, ispin nyo nalang ang isang mundong walang computer, parang ang hirap.

Buhay kolehiyo

Unang pasokan sa kolehiyo talagang napaka lungkot ng buhay, wala kasi akong makausap, walang mapagtanungan,wala kasi akong kakikila sa probinsya kasi ako nakapag-tapos nang sekondarya may katabi ako sa upuan nahihiya kasi akong makipag usap, hindi ko kasi alam ang sasabihin o kaya`y ang pag-uusapan namin, nahihiya rin akong itanong ang pangalan nya kasi tahimik lang siya para akong naiilang kaya hindi nalang ako kumibo. Pag pasok palang ng unang profesor namin talagang hindi ako mapakali, akala ko isa-isa tatayo sa harap at ipakilala ang sarili, gaya sa sekondarya hindi pala dahan-dahang humina ang kaba na dati ay kay lakas pero nawala rin ang naramandaman kong takot. Lumipas ang isang linggo unti-unti kong nakilala ang kamag-aral ko

Mahirap pala ang buhay sa kolehiyo akala ko madali lang unang taon pa lamang nahirapan na agad ako, mas lalo pang mahirap ang dadaanan ko sa mga susunod pang mga taon, pag hihirap muna bago maabot ang gustong abutin pero hindi parin ako nawalan ng pag-asa nasa tao ang gawa nasa diyos ang awa, makakaya ko ang lahat ng ito kahit gaano ka hirap kakayanin ko magaaral ako ng mabuti, hindi dahil mayroong pagsusulit dahil yan minsan ang ginagawa ko kung mayrong pagsusulit tsaka na magaaral, mananaliksik dahil sinasabihan. Paano ko matutupad ang mga pangarap ko kung ganito ang paguugali ko walang mangyayari sa buhay ko, habang maaga baguhin ang dapat baguhin, gawin ang dapat gawin para sa kinabukasan.

Tuesday, September 18, 2007

Karanasan Ko sa Buhay

Bata palang ako naranasan ko ang kalungkutan, kahirapan,ang takot, at ang kaligayahan.

Kahirapan,ang aking pamilya ay isang mahirap magsasaka lamang ang ama ko nabubuhay kami mula sa tanim naming palay. Tumutulong ako sa aking ama sa pagtatanim ng palay, tiniis ko ang hirap, pagod, at ang sinag ng araw na dumadampi sa balat ko. Pero hindi ditto nagtatapos ang kahirapang nararanasan ko.Nagsimula akong mag-aral mula kinder, nagsumikap akong matutong magbasa at sumulat.

Naging elementarya ako, dito marami akong naging kaibigan may masungit may mabait, inintindi ko kung ano ang kanilang pag-uugali,kasi kanya-kanyang ugali meron ang tao.Pumasok ako sa paaralan, umaraw man at umulan,tiniis ko ang hirap,matuto lamang sa mga turo ng guro, binabaliwala ko ang pang-aasar at panglalait ng iba kong kaklase.Sa tingin ko hindi dapat manghusga ang isang tao sa kanyang kapwa kasi lahat tayo nilikha ng panginoon ng pantay-pantay, iba kasi ang batas ng tao sa lupa.pero hindi hadlang ang mga ito, Hanggang natapos ako ng apat na taon sa sekondarya.Kakaiba ang pakiramdam kapag nakapagtapos ng pag-aaral.

Napakalungkot pagsinabi sayo mula sa mga magulang mo,na hindi ka makakapag-aral ng kolihiyo,samakatuwid hindi sinabi sakin ng magulang ko.Napapansin ko sa mga kilos nila at sa istado ng aming pamumuhay.kaya minsan naglalasing ang aking ama.Gusto niya akong paaralin kaya lang wala siyang magawadahil sa sobrang hirap ng aming buhay.Hindi parin ako nawawalan ng pag-asa.Alam ko na hindi hadlang ang kahirapan na dinadanas naming sa buhay dahil alam kong habang may buhay,may pag-asa kaya nakapag-aral ako ngayon sa tulong ng aking tiyahin.Masaya ako ngayon dahil nakapag-aral ako.